Paano maiiwasan ang paghilik

SA Amerika isa sa mga grounds for divorce ay ang paghilik. Ilang mag-asawa ang nagkakagalit dahil sa malakas na paghilik na nauuwi sa paghihiwalay. Madalas na ireklamo ng mga misis na sumasakit ang kanilang ulo at nahihirapang makatulog muli dahil sa paghihilik ng mister.

Narito ang ilang tip para maiwasan ang paghilik: Matulog nang nakatagilid. Huwag mahiga na makapal ang unan. Kapag mataas ang ulunan tendency ng leeg na bumaba na sanhi para mahirapang lumabas ang hangin.

Malaking tulong ang humidifier sa kuwarto dahil ang low humidity ay nagpapatuyo ng mucous membranes na kapag nairita ay nagreresulta sa malakas na paghilik. Ang sobrang katabaan ay sanhi rin ng paghihilik kaya dapat na magbawas ng timbang. Iwasan ang pag-inom ng sobrang alak at ang paninigarilyo.

Show comments