^

PSN Opinyon

"Bumulwak ang dugo ng Agui-la..."

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
BINALIKAN NG BIYUDA NI RODOLFO AGUINALDO ANG HULING ARAW SA BUHAY NG KANYANG ASAWA "EXCLUSIVE"MULA SA KANYANG TAHANAN SA UGAC NORTE, TUGUEGARAO CITY.

June 12, 2001. Araw ng Kalayaan. Araw na kailanman hindi malilimutan ni Lerma at ng kanilang dalawang anak ni Agui.

"Birthday ko ang June 12. Isang napakalungkot na birthday gift sa akin ang nangyari nung araw na yun. Pinatay nila ang asawa ko sa aking kaarawan," madamdaming sinabi ni Lerma.

Simpleng paggunita lamang ang kanilang inihanda para sa araw na yun. Pagkatapos makapag-almusal, si Lerma ay dumaan sa simbahan upang magdasal.

Dahil piyesta opisyal walang pasok sa Kapitolyo. Si Agui ay nagpunta sa kanilang Farm House sa Libag, Tuguegarao. Ito’y isang six hectare farm kung saan may mga tanim na Guaple (guava na sinlaki ng apples), saging, papaya. Meron din silang mga alagang rabbits sa kanilang farm.

"Kung walang trabaho si Agui dun siya parati sa farm namin. Malapit lang naman mga 15 minutes ang layo sa apartment namin. Nag-entertain siya ng konting bisita namin," ayon kay Lerma.

Kasama ang kanilang dalawang anak na babae na sina Geniah Laureen, (Gia) at si Lizzi Rae (Elah). Kumain sila ng tanghalian. Habang si Agui ay nagtatanim ng mga puno ng saging sa paligid ng farm.

Mga bandang alas-tres ng hapon, nagpasya si Lerma na umuwi para magluto ng pansit. Sinama na niya ang dalawang anak nilang babae at iniwan si Agui sa farm na kausap pa ang kanilang mga bisita at nagtatanim ng saging.

Matapos maluto yung pansit nagpabili si Lerma ng ice cream at ito’y pinadala niya kina Agui. Inutusan niya si Joey Garo, isang PNP personnel na naka assign kay Agui. Naiwan si Lerma sa apartment kasama ang dalawa nilang anak.

"Sabi kasi sa akin ni Agui na sandali lang daw siya at magtatanim daw siya ng mga saging. Nagpasya na lang ako na antayin siya sa bahay kasama yung dalawang bata. Mga 4:30 wala pa siya tinawagan ko sa kanyang cellphone. Sabi niya sa akin nagpaluto daw siya ng adobong rabbit dahil may pupuntahan pa kaming party nung gabi," kwento ni Lerma.

The seconds turned into minutes and then into hours but Agui did not arrive in their apartment. Sunud-sunod ang tawag ni Lerma sa cellphone ni Agui. Hindi niya alam bakit parang nag-aalala siya. Every thirty minutes. Huling tawag ni Lerma ay nung bandang alas-siete ng gabi. Nakausap niya ito at sinabi na nandyan na raw siya.

Hindi naman daw niya akalain na nandun na nga si Agui sa Magallanes St., ang kalye papunta sa kanilang apartment.

Lulan ng Starex van dumating si Agui pasado alas-siete ng gabi. Ang nagmamaneho ng van ay si Rene Maghinay. Habang naglalakad si Agui sa kalsada may tatlong lalake siyang nakasalubong.

Binati pa siya nung isa ng, "Good evening po sir..." Tinanguan ni Agui yung mga lalake at itinaas pa yung kaliwang kamay at kinakawayan.

Bumunot ng baril yung nauuna sa kanila. Ito yung naka flat top na haircut. Sunud-sunod na pinaputukan si Agui habang yung dalawa naman ay binantayan ang paligid. Tinamaan si Agui sa iba’t ibang parte ng katawan. Mga naka .45 caliber pistols ang mga suspects. Inubos nung gunman ang laman ng magazine kay Agui.

Si Joey Garo na ilang hakbang nakasunod kay Agui ay binanatan din nung dalawang suspects. Patay agad si Garo sa kalsada mismo.

"Nadinig namin yung sunud-sunod na putukan. Akala ko kami ang pinapuputukan. Hinigaan ko yun aming bunso para hindi tamaan ng bala. Yung panganay kong anak nasa tabi ng pinto," kwento ni Lerma.

Hindi nila akalain na ang binabaril pala ay si Agui na nandun lamang sa labas ng kanilang tahanan. Ang ginawa ng panganay na anak ay tinawagan ang kanyang ama sa cellphone. Magsusumbong sana ito na may bumabaril sa bahay nila. Nang makuha ang cellphone ni Agui may miss call na galing sa panganay niya.

"Lumabas ako dahil yung secretary ko sa tindahan tinamaan ng bala, si Amy Soriano. Magreremit sana ito ng sales sa tindahan. Nagrinig ko siyang sumisigaw. Paglabas ko nakita ko si Agui na nakalugmok sa kalsada. Humingi ako ng tulong at isinakay namin siya sa van. Itinakbo namin si Agui sa ospital. sa St. Paul’s Hospital sa Tuguegarao," kwento ni Lerma.

With the multiple injuries that Agui sustained, Lerma knew that her husband had been fatally hit. Sinasabi ng isip niya na patay na si Agui subalit ang puso niya ay umaasa na baka sakaling buhay pa ang ama ng kanyang mga anak. Ang tanging lalake na kanyang minahal ng lubusan. Niyakap niya ng mahigpit ang duguang asawa.

Pitong tama ng bala mula sa Caliber .45 pistol ang tumama kay Agui.

May mga tama ito sa dibdib, sa batok sa pisngi at pati na rin ang kanyang daliri(hintuturo) sa kaliwang kamay ay halos naputol. Bumulwak ang dugo ni Agui sa mismong kalsada malapit sa bahay niya.

Yung tatlong suspects mabilis na umalis mula sa crime scene at hindi na muling nagbalik sa boarding house na kanilang ni-rentahan. Inabangan nila si Agui ng buong araw bago nila ito tinambangan. Matagal nilang minamanmanan si Agui.

"Wala man lang akong premonition na mapapatay si Agui nung araw na yun. Sadya yata nilang tinaon sa araw ng aking birthday. Kaya nakapagtataka, mga NPA alam pati ang birthday ko? Talagang pinagplanuhan si Agui ng mga kalaban niya," sabi ni Lerma.

Three days before Agui was killed they went for a vacation in the house of his father in Laoag City. Felix, ang ama ni Agui is totally blind. Labing walong araw pa lamang si Agui ng mamatay ang kanyang ina na si Lorenza. Si Agui at ang kanyang kapatid na babae, isang nurse na nasa America ay pinalaki ng kanilang tiyahin na si Modesta.

"Nagfile ng electoral protest si Agui dahil sa pagkatalo niya sa elections. Alam ng mga kalaban ni Agui ang ugali niya. Kilala siyang matapang. Ito ang dahilan kung bakit siya pinatay. Hindi mga NPA ang pumatay sa kanya," mariing sinabi ni Lerma.

ABANGAN sa BIYERNES ang karugtong nga serye tungkol sa kaganapan sa buhay ni Rodolfo Aguinaldo, "Ang Agui-la ng Cagayan," EXCLUSIVE dito lamang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.

PARA SA ANUMANG COMMENTS, REACTIONS O INFORMATION MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

AGUI

ARAW

KANILANG

LERMA

NIYA

SIYA

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with