Ngayong meron nang foot spa malaking ginhawa ang dulot nito sa mga paa. Inirerekomenda rin ang paglangoy sa dagat at pagtapak sa mainit na buhangin sa dalampasigan. May dulot itong ginhawa lalo na sa may varicose veins.
Sa pangangalaga ng paa mahalaga ang sapatos na ating isinusuot. Dapat na ang sapatos ay komportable. Ipinapayo ang malambot at flexible na sapatos. Nakakabawas ng pressure sa paa ang hindi parating pagsusuot ng high heeled shoes. Mas kumportable kung mababa ang takong ng sapatos.