Panfilo Villaruel Jr.

NAKILALA ko ang napaslang na si Panfilo Villaruel Jr. nang i-appoint siya ni dating Pangulong Ramos bilang hepe ng Air Transportation Office (ATO).  Ako noon ay isang mamamahayag na nag-cocover sa airport.

Madalas namin siyang makapanayam at di nagtagal ay naging kaibigan dahil si Jun o si Pilo ay tiyak naming isang maginoo at disenteng tao. Totoong may mga bagay na minsan ay pagtatalunan namin pero sa pangkalahatan ay maganda ang naging relasyon ng media kay Jun dahil aming natuklasan na tapat siyang kausap at malumanay.  Puno rin ng idealismo si Jun at siguro dahil isa siyang imbentor ay puno rin siya ng pangarap.

Ang idealismo at pangarap ni Jun ay laging buhay at lalo pa sigurong umusbong ng ilipat siya sa Philippine Aerospace Development Corporation (PADC), pero higit sa lahat, sa kilos at pananalita makabayan si Jun.

Sa mga nakakakilala kay Jun, mahirap isipin na ang isang maginoo na katulad niya ay gagamit ng dahas upang makamtan ang isang bagay.  Marahil naging desperado si Jun ng lalong lumala ang katiwalian sa gobyerno na pinamumunuan pa ng kumare niyang si Madam Senyora Donya Gloria.

Sinabi niya sa mga air traffic controller at kay "Igan" Arnold Clavio ang sama ng loob at kawalang pag-asa sa tuloy na pagbagsak ng bansa dahil sa korupsyon at kapabayaan ng gobyerno.

Bagama’t hindi tayo naniniwala na karahasan ang dapat gamitin, naiintindihan natin si Jun dahil nakikita natin ang lubos na pagbagsak ng  ating bayan at ang laganap na kahirapan bunga ng walang humpay na pangungurakot.

Sinikap niyang ipaabot ang nakikita niyang mga suliranin sa mga nasa kapangyarihan sa pamumuno pa nang kanyang kumareng Madam Senyora Donya Gloria. Marami ang kanyang nilapitan pero walang nakinig, walang pumansin at higit sa lahat pinagtatawanan pa siya.

Ito marahil ang naging mitsa dahil kung siya na kumpare, kakampi at kasama pa nila sa EDSA Dos ay binalewala nila Madam Senyora Donya Gloria.

Diyan natin lubos na maiintindihan ang hinanakit ng grupo ng Magdalo na nagbulgar ng katiwalian sa Armed Forces of  the Philippines, Sen. Ping Lacson kung sino si JOSE PIDAL,  Acsa Ramirez na kinasuhan pa at sinikap pang sirain at pinakilala bilang suspect ni Madam at ngayon nga mga batang Kongresista na nagbulgar ng JDF.

Lubos pa itong pinalala nitong mga kilos ng mga naghaharing uri at nagmamalinis na civil society na nais ay sila ang magsilbing taga husga ng sambayanan kahit na di sila hinalal ng mamamayan.

Sana lang ang pagkapaslang kay PANFILO VILLARUEL JR. ay magkaroon ng kahulugan at hindi mabaon sa limot.  Magsilbi rin sana itong babala sa pamunuan ni Madam Senyora Donya Gloria na huwag hintaying may tumulad kay Jun at ang gamitin pang paraan ay gaya ng ginagawa ng mga suicide bomber sa Iraq, Saudi Arabia at iba pang bansa sa Gitnang Silangan.
* * *
Binigyan ni Madam Senyora Donya Gloria ng komendasyon ang mga pumaslang kay Jun Villaruel kahit na halatang hindi nila naiintindihan ang operasyon ng airport, kasama na rito si NAIA General Manager Ed Manda.

Sinabi nila na kailangan daw tapusin ang ginawa ni Jun dahil baka raw magka-aksidente at magbanggaan ang mga eroplano dahil kontrolado niya ang tower.

Sa sinabi nilang ito pinatunayan nilang wala silang naiintindihan o baka naman gusto lang nila patahimikan si Jun.

Kung maagaw ang kontrol ng tower, gagawin lang ng awtoridad ay ililipat ang frequency at ang komunikasyon sa piloto sa himpapawid ay maililipat  na sa ibang tower, gaya ng terminal radar sa kabilang panig ng runway at ang en route radar sa  loob ng opisina ng ATO. Putol na ang komunikasyon sa pagitan ng piloto at tower, katunayan noong panahon na ‘yun hanggang kahapon ay ibang tower ang ginagamit.

Sa madaling salita, walang hostage si Jun, pinaalis niya ang mga air traffic controller at wala na rin siyang komunikasyon sa himpapawid maliban sa sarili niyang cell phone na hindi naman naririnig ng mga piloto.

Puwede sana siyang gamitan ng tear gas o kaya’y kinumbinseng sumuko pero dinaan sa pagpapakita ng matinding puwersa o lakas na kumitil sa buhay ng isang makabayan.  Kung ang mga rebelde at kriminal kinakausap  nila bakit hindi si Jun? Ano ba sana ang ibubulgar niya na kailangan siyang patahimikin? Baka naman ang gustong mangyari ay maging babala sa lahat na ang sinumang magbulgar ng katiwalian ay pwedeng magaya kay Jun? Pero sa inyong mga korupt, huwag kayong  pasiguro,  tandaan n’yo hindi maitatago ang kabulukan dahil iyan ay aalingasaw!
* * *
Mas maganda cguro pasakop na lng tyo  sa U.S. pra wala na tyng utang at yung mga pulitiko na yan wla ng makurap, sa kangkungan na cla pupulutin. –09207597183; Kapag cla ang sumlungat s konsti2syon legal, pgngnakaw rt 2 privacy. –09202661416; Sa mga gustong kumandidato pagka-presidente sa oposisyon mas magaling pa talaga si Gloria kaya ikakampanya ko talaga siya. –09186506289;

Bkt pti  f4 gnngmit ni ate glo as an economist. Ate glo mk2long ba f4 na byaran utang ng pinas? –09208599715; Dpat lang hrapin ni davide kaso niya upang lnisin an dungis na imahe ng sc. Dba sbi ala ksalanan. –09192560934; Ewan ko lang kung magkaroon ng human right si col. Villaruel dahil di kkampi, tulad ng kuratong baleleng na  kampi ni jose arroyo pidal. –09183538585; Dapat managot ang pumatay ke col. Villaruel, sumusuko na binaril pa. –09206069408; Ppuntahan na lang kta sa inyo para turuan ng was2ng aral. –09167138528.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa nixonkua@yahoo.com o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

Show comments