^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tutulog-tulog ang mga bantay

-
ANG pagkubkob ni dating Air Transportation Office (ATO) chief Panfilo Villaruel at kasamang Navy Lt. Ricardo Gatchillar sa control tower ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong madaling araw ng Biyernes ay maliwanag na kapabayaan sa seguridad. Wala nang iba pang dapat sisihin dito kundi ang mga tutulug-tulog na namamahala ng security sa nasabing tower. Kung hindi nakapasok sina Villaruel at Gatchillar, hindi sana naganap ang malagim nilang kamatayan. Maaaring sa ibang pamamaraan nila ipinahayag ang kanilang sentimiyento sa gobyerno dahil sa anila’y malalang corruption.

Sa nangyaring takeover, minsan pang ipinamalas ang kawalang-ingat o kapabayaan sa puwesto ng mga nakatalagang personnel. Masyado silang relax. Hindi na nakapagtataka kung maraming bansa –US, Australia, Canada –ang magbawal sa kanilang mamamayan na magpunta sa Pilipinas. Palso ang seguridad dito. Pawang ningas-kugon lamang.

May balak mang masama o wala sina Villaruel o Gatchillar kaya nila kinubkob ang tower, hindi ito ang isyu kung paano sila nakalusot sa sinasabing high security-tower dakong 11:30 p.m. noong Biyernes na umabot hanggang 3:00 am ng Sabado. Kahit pa nga si Villaruel ay dating opisyal ng ATO noong panahon ni dating Fidel V. Ramos, hindi siya dapat basta pinapasok doon lalo na nga sa control tower. Masyado bang naging malambot ang mga security personnel ng mga oras na iyon. Baka naman alam na nila ang balak ni Villaruel at hinayaan na lamang nila? At basta na lamang makapapasok doon ang sinuman kahit na may dalang baril?

Dakong 3:00 a.m. nilusob ng Aviation Security Group ang tower at makalipas lamang ang ilang minuto, patay na ang dalawa. Narinig pa sa radio ang napupugtong hininga ni Villaruel. Madugo ang naging wakas na hindi sana nangyari kung hindi sila nakapasok doon. Ngayon ay isang imbestigasyon ang isinasagawa sa dalawa. Marami ang bumabatikos sa ginawa ng PNP na marahas na aksiyon kina Villaruel. "Overkill" anila ang ginawa. Sumusurender na subalit niratrat pa. Asahan na ang mahabang imbestigasyon dito at sa dakong huli, wala ring kalalabasan. Katulad ng iba pang imbestigasyon na ginawa na wala ring kinatunguhan at ang katotohanan ay hindi nakamtan.

Ang dapat unang pukpukin sa nangyaring malagim na pangyayari ay ang tutulug-tulog na mga security sa ATO. Sila muna ang gisahin. Kuwestiyunin din si Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Leandro Mendoza at NAIA general manager Edgardo Manda.

AIR TRANSPORTATION OFFICE

AVIATION SECURITY GROUP

BIYERNES

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

EDGARDO MANDA

FIDEL V

GATCHILLAR

LEANDRO MENDOZA

VILLARUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with