^

PSN Opinyon

Bugbog-saradong gobyernong Arroyo

- Al G. Pedroche -
TULIRO at parang hilong talilong ang administrasyon ni Presidente Arroyo. Hindi pa nareresolba ang problema sa pagtakas ni Al-Ghozi at ang bigong kudeta na ang ulo raw ay si Sen. Gringo Honasan, heto na naman ang dambuhalang problema! Terible ito lalo pa’t halos daliri na lang yata ng Pangulo ang nakalitaw sa pagkakalubog sa kumunoy ng sari-saring krisis.

Idinawit ni Sen. Panfilo Lacson si First Gentleman Jose Miguel "Mike" Arroyo sa napakabigat na kasong money laundering. Nagpakita ng specimen signature si Lacson sa kanyang privilege speech sa Senado. Ito’y ang lagda ng isang Jose Pidal sa umano’y P100 milyong secret bank account ni Arroyo. At ang lagda ay may pagkakahawig sa pirma ng Unang Ginoo.

"Kasinungalingan" ang sigaw ni Mr. Arroyo at ng mga opisyal ng Malacañang. Imbento lang daw ng imahinasyon ng Senador para pagtakpan ang sarili nitong mga asunto. Nagkakaisa sina Presidential Spokesman Ignacio Bunye, Palace Chief of Staff Rigoberto Tiglao at iba pang opisyal ng Palasyo na si Lacson ay "naglulubid ng buhangin." Pero tila mabibigat ang hawak na dokumento ng Senador.

Di ko alam kung anong diskarte ang gagawin ng administrasyon para pasinungalingan ang mga alegasyon ni Lacson. Hindi pa rin natin malaman kung sino sa magkabilang panig ang nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. Marahil, ang makapagpapalabas lang ng buong katotohanan ay ang isang walang kinikilingang imbestigasyon ng mga taong mapagkakatiwalaan.

Ang problema, sa "bombang" pinasabog ni Lacson, taumbayan na naman ang magdurusa porke direktang iniuugnay ang Panguluhan. Napakarami nang iniintinding problema ng Pangulo, madaragdagan pa ito ng isang napakabigat na akusasyon. Tuluyan nang hindi maaasikaso ang mga programa sa kapakanan ng mamamayan at ang pagresolba sa iba pang krisis na naghahari sa bansa ngayon.

vuukle comment

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL

GRINGO HONASAN

JOSE PIDAL

LACSON

MR. ARROYO

PALACE CHIEF OF STAFF RIGOBERTO TIGLAO

PANFILO LACSON

PANGULO

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with