^

PSN Opinyon

Droga at Boga sa NBP

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SUMULAT sa mga kuwago ng ORA MISMO ang isang bilanggo sa maximum security compound ng New Bilibid Prison, para ikanta ang tindi ng operasyon ng mga sindikato ng droga sa loob nito, mga baril na pinalulusot at mga matalas.

May pa-side show pa raw sa loob ng maximum security compound.

Illegal Gambling!

Tiyak hindi ito alam ng new director kasi nangangapa pa ito sa kanyang bagong assignment.

Isang taon pa lang nakakulong sa Munti ang tsuwawa ng mga kuwago ng ORA MISMO, pero lintik pala ang katiwalian sa loob ng maximum security compound. Take note, General Santiago, Sir.

May mga improvised shotgun pala at kalibre 357 paltik ang nasa pag-iingat daw ng grupo ni Commander Kalawit, ng BCJ?

Malupit si Kalawit ayon sa sumbong ng ating tsuwawa.

Kasabwat daw ni Kalawit ang mga tulisan, este mali, mga pigoy pala na sina Naturalpa at Frandestein sa pagpupuslit ng boga at droga diyan sa Munti.

May mga alaga pa raw manok itong si Kalawit.

Kaya ang hindi sumunod sa mga utos ni Kalawit ay pinatutuka niya sa kanyang manok, este mali, binubugbog niya pala.

Inginuso pa ni tsuwawa sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang nagngangalang Badoy taga-Dormitory 6-B daw ito.

Masyadong sadista walang sinasanto kahit na manyika ay inuupakan, este mali, poste pala.

Ewan lang natin kung hay-bu pa si Kalawit o nakaret ni Kamatayan.

Wala naman tayong balita kay Badoy kung alive and kicking pa ang gago.

Kasi ang letter ni Tsuwawa ay dumating sa kamay ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong Biyernes ng gabi sa office ng Pilipino Star NGAYON.

Dapat daw burikihin ni General Santiago ang Dorm 6-B at 4-B para matiyak na malinis sa droga, boga at matalas ang nasabing lugar.

Baka naman kalaban grupo ang tsuwawa ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya matindi ang ikinakanta nito laban sa BCJ?’’ anang kuwagong SSS.

‘‘Mas OK nga para mabusisi ang loob ng mga dorms,’’ sagot ng kuwagong Commando.

‘‘Bago ang director, ex-General at battle tested, kaya sigurado tayong madidisiplina niya ang mga prisoners,’’ natatawang sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Sanay ba siya sa POW?’’

‘‘Bakit, may Prisoner Of War, ba sa Munti?’’

‘‘Hindi naman Prisoner Of War ang sinasabi ko.’’

‘‘Ano?’’

‘‘Kung sanay siyang kumain ng am-POW!’’

‘‘Corny mo, kamote, he-he-he!

vuukle comment

BADOY

COMMANDER KALAWIT

GENERAL SANTIAGO

ILLEGAL GAMBLING

KALAWIT

MUNTI

NEW BILIBID PRISON

PILIPINO STAR

PRISONER OF WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with