Bakit may aggressor, hyperactive at delinquent?

ANG salitang aggression ay madalas na mababasa ngayon sa mga diyaryo. Mababasa rin ito ngayon sa mga plakard at streamers na dala ng mga militanteng grupo. Tinututulan ng mga demonstrador ang pagsalakay ng US sa Iraq na anila’y isang aggression. Noong Huwebes ng madaling-araw ay sinalakay na ng US ang Iraq.

Pero bakit nga ba may aggressor o nananalakay? Bakit may hyperactive at delinquent?

Sa nakalipas na 20 taon maraming pag-aaral na ginawa tungkol sa kaugnayan ng mga elementong nasa pagkain sa pagkakaroon ng anti-social behavior. Sinasabi na ang diets na mataas sa sugar, refined foods, additives at colorings ay may posibilidad na nagti-trigger sa agression, hyperactivity at delinquency. Sa isinagawang experimental diet sa mga juvenile prisoners, nabawasan ang kanilang antisocial behavior makaraan silang pakainin ng pagkaing mababa sa refined sugar.

Isa pang teorya, sinasabing ang diet na mataas sa refined food ay mababa sa chromium. Chromium is needed to metabolise sugar. Kapag wala ang chromium, ang insulin sa katawan ay hindi magiging epektibo para makontrol ang glucose level sa dugo. There may be spells of hypoglycemia which may trigger aggressive behavior as the brain receives less than its usual quota of glucose. Sa isang banda, ang diet na mataas sa sugar at refined foods ay maaari namang kulang sa mahahalagang nutrients. Sa isang pag-aaral, ipinakita na ang mga taong may low intake ng thiamine ay highly aggresive, impulsive at masyadong sensitive sa critisism. Sa serye ng experiments sa mga bata sa ospital, ang deviant behavior ay malaki ang kaugnayan sa kakulangan ng well balanced diets. Ang sobrang pag-inom ng tsa, kape at alkohol ay nagpapa-trigger din sa aggression.

Show comments