Mahalaga ang soy

Huwag ninyong iisnabin ang soy beans sapagkat napakahalaga nitong pagkain. Hindi ito kasing popular ng pizza subalit hindi biro ang ibinibigay nitong nutrisyon sa ating katawan.

Ang soy ay pinaka-unique sa lahat ng mga plant foods sapagkat nagsu-supply ng amino acids na lubhang kailangan ng katawan. Napakayaman din nito sa protina.

Sa mga postmenopausal women, may magandang idinudulot ang soy dahil sa taglay nitong isoflavones. Ang isoflavones ay isang plant hormones na nilalabanan ang effects ng estrogen. Since estrogen itself can have both beneficial and harmful health effects. The same would be true of soy. Studies show that soy products reduce symptoms such as hot flushes by 15 to 45 percent. In comparison, hormone replacement therapy has been shown to reduce hot flashes by at least 70 percent.

Ang soy ay nagpoprotekta sa pagkasira ng buto dahil sa osteoporosis. Wala itong ipinagkaiba sa ginagawa ng estrogen. Ang epekto ng soy sa pagprotekta sa buto ay tumatagal ng anim na buwan. Kapag ipinagpatuloy ng mga kababaihan ang pagtake ng isoflavon rich soy products maaaring maiwasan na ang panganib ng osteoporosis.

Isa sa mga solid na ebidensiya ng kabutihan ng soy sa katawan ay pinabababa nito ang blood cholesterol levels. Ang pagkunsumo ng 25 hanggang 50 gramo ng soy araw-araw ay nire-reduce ang bad cholesterol nang may apat hanggang walong porsiyento.

Show comments