^

PSN Opinyon

Usaping pangkapayapaan sa MILF, tuloy

-
Mukhang tuloy na tuloy na ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at MILF. Kamakailan lang nagdeklara ang MILF ng pagtigil ng opensiba laban sa militar upang bigyang daan ang usaping pangkapayapaan sa susunod na tatlong buwan. Naging pormal din ang pagsang-ayon ng MILF sa usaping ito sa pag-nomina nito ng legal na tagapagpayo sa negotiating panel. Ayon sa MILF, ang desisyon na itigil ang opensiba ay bahagi ng kanilang pagsunod sa napagkasunduan sa Kuala Lumpur, Malaysia dalawang linggo na ang nakalilipas.

Ang kaganapang ito ay isang magandang indikasyon hindi lamang para sa ganap na pagkamit ng kapayapaan sa buong bansa kundi lalo na sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng Mindanao. Napakailap ng kapayapaan sa Mindanao, ilang Presidente na rin ang nagsikap na gawing mapayapa ang bahagi ng bansa at makailang ulit na ring nabuo ang negotiating panel. Bagaman naging matagumpay ang administrasyon ni dating President Ramos sa pakikipag-usap sa grupo ni Nur Misuari, naging aktibo naman ang mga ilan pang grupo sa Mindanao kung kaya patuloy ang operasyon ng militar upang supilin ang aktibidad ng mga ito.

Hindi na kaila sa atin ang pinsalang dulot ng patuloy na pagsasagupaan ng militar at kahit anong grupo ng mga rebelde. Nariyan na maraming buhay ang nagbubuwis, pilit na lumilikas ang mga pamilyang nakatira sa mga lugar na sakop ng mga operasyon at natitigil din ang pagsasagawa ng mga proyektong imprastruktura gaya ng mga daan, tulay at iba pa. Sa mga lugar na aktibo ang mga rebeldeng grupo, ay natatakot ang mga negosyante na mamuhunan kung kaya limitado ang progreso rito.

Kung ating makakamit ang pambansang pag-unlad, kritikal na maging matagumpay ang mga usapang pangkapayapaang sa lahat ng mga grupong rebelde. Gaya ng MILF sana ay maging bukas din ang ibang grupo sa inisyatibo ng pamahalaan upang sa gayon ay matutuon na lamang ang pansin ng gobyerno sa mga repormang pang-ekonomiya.

AYON

BAGAMAN

GAYA

KAMAKAILAN

KUALA LUMPUR

MINDANAO

MUKHANG

NUR MISUARI

PRESIDENT RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with