^

Police Metro

BARMM polls: 4 patay,19 sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi habang 19 iba pa ang sugatan matapos mauwi sa pamamaril ang alitan ng magkaribal na political supporters sa labas ng polling center sa Barangay Bagua 2, Cotabato City, kaugnay ng unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections.

Kabilang sa tatlong nasawi noong Linggo ay si Edar Kasan Andong, 88-anyos ng Brgy. Bagua 2 ng lungsod at dalawang iba pa habang  ang ikaapat ay nasawi nitong Lunes matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa kanilang mga katawan.

Ayon kay Captain Steffi Salanguit, Spokespersn ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR),nangyari ang pamamaril sa pagitan ng alas-11:40 hanggang alas-11:55 ng gabi sa harapan ng Datu Usman Mampen Elementary School sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon may dalawang grupo ng mga kalalakihan ang nasa harapan ng nasabing eskuwelahan na nagsisilbing polling precint sa halalan na pawang mga supporters ng magkalabang partido pulitikal.

Ayon kay Cotabato City Police chief Col. Jibin Bongcayao, nagsimula umano ang gulo sa pagtatalo sa puwesto sa pila ng supporters ng dalawang magkaribal na kampo.

Nauwi umano ang tulakan sa suntukan bago nagkaroon ng palitan ng putok sa mataong lugar na ikinasawi ng tatlo at nitong Lunes ay ang ikaapat na nasawi rin sa pamamaril.

Samantala,15 ang nasugatan sa naturang pamama­ril, isa sa pagsabog ng isang improvised explosive device at tatlo sa pamamaril sa Central Pilot Elementary School sa Cotabato City.

Humupa lamang ang karahasan sa pagitan ng magkabilang grupo matapos na magresponde ang mga elemento ng pulisya at tropa ng mga sundalo.

Narekober ng mga nag­respondeng operatiba ng pulisya ang mga basyo ng bala ng cal. 45 at 9MM pistols.

Nanatili namang nakaalerto ang pinagsanib na tropa ng militar at pulisya kaugnay ng ginanap ng BPE hanggang sa matapos ang canvassing at maiproklama ang mga nagwaging kandidato. — Joy Cantos, Mer Layson

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with