^

Probinsiya

P748K shabu nasamsam sa Lanao Sur, Tawi-Tawi

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P748K shabu nasamsam sa Lanao Sur, Tawi-Tawi
Sa ulat nitong Linggo ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hindi na pumalag si Sibal Sampang nang arestuhin ng PDEA-BARMM agents matapos silang bentahan ng P340,000 na halaga ng shabu sa Barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi.
STAR / File

COTABATO CITY , Philippines — Nasamsam ng mga anti-narcotics agents ang abot sa P748,000 na halaga ng shabu sa mga hiwalay na law-enforcement operations sa mga probinsya ng Tawi-Tawi at Lanao del Sur sa Bangsamoro region nitong Biyernes.

Sa ulat nitong Linggo ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hindi na pumalag si Sibal Sampang nang arestuhin ng PDEA-BARMM agents matapos silang bentahan ng P340,000 na halaga ng shabu sa Barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi.

Na-entrap naman ng magkasanib na mga kasapi ng iba’t-ibang units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ng Lanao del Sur Provincial Police Office, at ng Drug Enforcement Group Special Operations Unit-15 ng Philippine National Police ang isang lalaking drug dealer sa bayan ng Wao, Lanao del Sur, na nabilhan ng mga hindi unipormadong mga pulis ng P408,000 na halaga ng shabu.

Pansamantalang hindi muna kinilala ng PRO-BAR ang nakakulong ng suspect dahil inaalam pa ang koneksyon nito sa mga magka-alyadong mga teroristang grupong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter, ayon sa ulat ng mga local officials at Islamic religious leaders sa Lanao del Sur.

Nagpasalamat naman, sa mga hiwalay na pahayag nitong Linggo, sina Castro ng PDEA-BARMM at Bangsamoro regional Police Director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn sa mga local government units na tumulong sa magkahiwalay na entrapment operations sa Tawi-Tawi at Lanao del Sur na nag-resulta sa pagkakalambat ng dalawang hinihinalang dealers ng shabu, na parehong naka-detine na.

vuukle comment

PDEA

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with