^

Pang Movies

Panaginip ni Nicole, 163 million streams na

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Panaginip ni Nicole, 163 million streams na

Ang Viva Records (na bahagi ng Viva Music Group) ay isa kung hindi man pinaka-aktibong record company sa kasalukuyan na patuloy sa pagtuklas at paghatid na mga hit song sa iba’t ibang digital music platforms.

At ang isa sa pinakabagong music artist nila ay ang singer-songwriter at musician si Nicole Brian de Leon (21) na siyang tinanghal na Best New Artist sa ika-39th Awit Awards para sa kanyang self-composed song, ang Panaginip na ginanap sa SM MOA Arena nung nakaraang Sept. 15, 2026.

Ang awiting Panaginip ay nag-viral at mabilis na umakyat sa local music charts. Meron na itong 163M all-time streams on Spotify at umakyat sa No. 2 on the platforms weekly Top Chart habang ang iba pa niyang songs tulad ng Tulala at Gabi ay pumalo na rin sa more than millions streams.

Nung nakaraang Sept. 18 ay ni-launch ang kanyang bagong single na pinamagatang Kalendaryo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Nicole na ang kanyang first single ay agad tatangkilikin ng listeners.

Ang awiting Kalendaryo ay sinulat ni Red Ridao na siya ring nasa likod ng makasaysayang hit song ng Cup of Joe, ang Multo.

Dahil sa malaking tagumpay ng music career ng baguhang artist na si Nicole, hindi kami magtataka kung maghi-headline na rin ito ng kanyang major solo concert sa malalaking venue.

Bobot, hindi nawala ang pagmamahal kay Vilma

Alam mo, Salve A, totoo talaga ang kasabihang “First love never dies,” na madalas mangyari kahit sa marami nating showbiz personalities.

Kaiba ang dating magkasintahan at magka-loveteam na sina Vilma ‘Vi’ Santos at Edgar ‘Bobot’ Mortiz na kahit hindi silang dalawa ang nagkatuluyan sa totoong buhay ay napanatili nila ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa bilang magkaibigan hanggang ngayon kaya walang puwang na pagselosan si Vi ng misis ni Bobot sa loob ng 49 years na si Millet Santos.

Kahit may kani-kanyang buhay at pamilya na sina Vi at Bot ay napanatili ng dalawa ang kanilang magandang samahan. Kaya sa repeat concert ni Bobot ng kanyang Goin’ Standard ay dumalo si Vi na tinawag pa ni Bobot on stage.

Sinabi ni Bobot na dalawang babae lamang ang kanyang minahal sa kanyang tanang buhay, si Vi at ang misis niyang si Millet, na nakababatang kapatid ng dating Kapamilya top executive at award-winning actress na si Charo Santos-Concio.

VIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with