^

Metro

Pinoy timbog sa drug bust sa Laos – PDEA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pinoy timbog sa drug bust sa Laos – PDEA
The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) logo
he STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isang Pinoy ang naaresto sa paliparan sa Laos noong Oktubre 1, kasunod ng pagkakasamsam sa 521 kilo ng hinihinalang shabu na iniulat na sakay ng isang private jet na pinaniniwalaang patungo sa Pilipinas.

Ayon kay PDEA spokesperson Atty. Joseph Frederick Calulut, nagsasagawa pa rin ng beripikasyon ang mga awtoridad kung nagsilbing drug courier ang naares­tong Pilipino. Hindi pa rin inilalabas ng ahensya ang iba pang detalye tungkol sa suspek habang hinihintay ang kumpletong ulat mula sa mga awtoridad sa ibang bansa.

Sinabi ni Calulut na hindi pa beripikado ang nasyonalidad ng isa pang suspek at patuloy pang inaalam ang buong ­detalye ng insidente, kabilang ang pagkakakilanlan ng umupa sa private jet.

Samantala, iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng mga bagong paraan na ginagamit ng mga sindikato upang maipasok ang ilegal na droga sa bansa, kasunod din ng mga ulat tungkol sa mga shipment na nasamsam sa Laos at Thailand.

Nabatid kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., pinaigting ng pulisya ang intelligence monitoring at pakikipagpalitan ng impormasyon sa mga awtoridad sa rehiyon upang mapigilan ang paggamit sa Pilipinas bilang sentro ng paglilipat ng ilegal na droga.

Gayunman, wala pang ebidensiyang nagpapatunay na Pilipinas ang destinasyon ng nasamsam na shipment.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with