^

Police Metro

Sa pagpasok ng Setyembre bagong kaso ng COVID-19, aakyat ng 20K kada araw

Danilo Garcia - Pang-masa
Sa pagpasok ng Setyembre bagong kaso ng COVID-19, aakyat ng 20K kada araw
Food buyers observe public health protocols by wearing face mask inside Marikina Public Market on Thursday, May 6, 2021.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaasahan ng OCTA Research Group na posibleng umakyat ang arawang average ng bagong kaso sa higit 20,000 ngayong darating na Setyembre.

Ito ay makaraang maitala ang panibagong rekord na 19,441 kaso nitong Sabado para umakyat ang kabuuang kaso sa Pilipinas sa higit 1.9 milyon at ang aktibong kaso sa 142,679.

Naitala naman ang bagong kaso sa Metro Manila nitong Sabado sa 5,085.

Bagama’t bumababa ang reproduction number, mataas pa rin ito sa 1.0 na nangangahulugan na patuloy ang pagtaas ng mga kaso at inaasa­han na sa una o ikalawang linggo ng Setyembre maaabot ang peak ng mga kaso ng COVID-19.

Sa National Capital Region(NCR), naitala ang growth rate ng nakalipas na linggo sa 11% na mas mababa sa 24% ng sinundang linggo.

Kaya’t inaasahan ng OCTA na malapit nang magkaroon ng ‘negative growth rate’ kung magpapatuloy ang trend.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with