^

Police Metro

Veteran journalist inaresto sa media forum!

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa

Sa ‘cyber libel’ ni Paolo Duterte

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya ang 72-anyos na beteranong mamamahayag sa mismong media forum sa isang restaurant sa Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Si Philip Lustre Jr. ay dinakip ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 bandang alas-11:10 ng umaga sa Dapo Restaurant sa lungsod sa kasagsagan ng news forum, na isinasagawa tuwing Sabado sa Scout Borromeo Street.

Ayon kay QCPD acting director P/Brig. Gen. Christopher Olazo, si Lustre ay inaresto ng kanilang mga operatiba sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 10 sa Davao City sa kasong cyber libel na inihain laban dito ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.

Itinakda ng korte ang piyansa ni Lustre sa halagang P48,000 sa kasong cyberlibel sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinabi ni Lustre habang nasa media forum na wala siyang alam sa reklamong libel o cyber libel at nabulaga na lang nang dumating ang mga pulis at dakpin siya.

Matapos na basahan si Lustre ng Miranda rights, isinakay siya ng mga pulis sa kanilang police mobile car.

“Ilalaban ko ito. Hindi ko uurungan ‘to,” saad ni Lustre habang papasok naman mobile car. 

Si Atty. Dino de Leon, isa sa mga naimbitahan sa forum ang tatayo namang abogado ni Lustre.

Si Lustre ang may akda ng aklat na “Kill, Kill, Kill” na tumatalakay sa extrajudicial killings (EJK) sa bansa kaugnay ng “crimes against humanity” sa madugong drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with