Eala dumulas sa No. 19 sa WTA rankings

MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang ranking ni Pinay netter Alex Eala sa bagong listahan ng Women’s Tennis Association (WTA) na inilabas kahapon.
Laglag ito sa No. 19 posisyon — isang puwesto mula sa dating career-high na No. 18.
Hindi gumalaw ang puntos ni Eala na 2,241 dahil hindi ito naglaro sapul noong Singapore Open.
Matatandaang matapos sumabak sa Singapore Open, tumulak si Eala sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan kung saan nagkasya lamang ito sa tansong medalya.
Hindi lumahok si Eala sa WTA 1000 Beijing Open sa China para maging bahagi ng Team Philippines sa Asian Games.
Ang Beijing Open ay isang mandatory WTA event kung saan may penalty ang high-ranked player na hindi lalahok sa torneo.
Sinabi naman ng Philippine Tennis Association (Philta) na lusot si Eala sa anumang parusang ipapataw ng WTA.
Ngunit wala pang opisyal na statement ang WTA sa penalty ni Eala.
Gayunpaman, hindi na ito iniisip ni Eala dahil nakasentro na ang atensiyon nito sa kampanya nito sa Wuhan Open.
Sasagupain ni Eala sa opening round ng Wuhan Open si Chinese qualifier Han Shi.
Nakatakda ang laban nina Eala at Han Lunes ng gabi.
Kung mananalo si Eala kay Han, papasok ito sa second round kung saan makakasagupa nito si Singapore Open champion Leylah Fernandez na nanaig kay Russian Ekaterina Alexandrova sa first round, 6-4, 3-6, 6-3.
- Latest























