^

Metro

2 bangkay lumutang sa ilog sa Malabon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa magkahiwalay na bahagi ng ilog ng Malabon nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, isa sa mga bangkay ang kinilala ng kanyang kamag-anak na nawawala bunsod ng sobrang depresyon.

Batay sa imbestigasyon, posibleng nagpakamatay ang 21-anyos na college student matapos na makitang may sukbit itong backpack na naglalaman ng  mga bato, apat na uri ng circular dumbbells at iba pang gamit na pampabigat sa ilalim ng tubig  at hindi na umahon.

Posible ding sa iba nagpakakamatay ang biktima subalit sa ilog sa Malabon natagpuan.

Sa salaysay ng kamag-anak umalis ang biktima at nag-iwan pa ng suicide note at video.

Samantala, isa pang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa ibang bahagi ng ilog sa Potrero, Malabon.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima, na posibleng inanod mula Quezon City o Valenzuela.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa parehong insidente.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with