^

Metro

Amerikanong Pastor ipade-deport

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Inihahanda na ng Bureau of Immiration (BI) ang kasong deportasyon laban sa isang Amerikanong pastor na inakusahan ng pisikal na pang-aabuso sa 160 mga bata .

Sinabi ni BI Commmissioner Joel Viado na sinisimulan ng BI ang mga paglilitis laban sa American national, na si Jeremy Ferguson, 48, bilang bahagi ng #ShieldKids campaign nito, na naglalayong protektahan ang mga bata mula sa pagsasamantala at pang-aabuso sa mga dayuhan.

Iniulat ng Intelligence Division ng BI na nakatanggap sila ng opisyal na komunikasyon mula sa Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na humihiling ng tulong at ipaalam sa ahensya ang kaso ni Ferguson.

Si Ferguson ay inaresto noong Agosto 13 ng PNP Field Office III at Women and Children’s Protection Desk ng Pampanga Police Provincial Office sa Mexico, Pampanga.

Pinamunuan umano niya ang isang relihiyosong organisasyon sa Mexico, Pampanga, na may mga menor-de- edad na nasa panga­ngalaga nito. Ang mga ulat ng pulisya at DSWD ay nagsasaad na ang mga biktima ay nagkuwento ng pisikal na pananakit at pagtatamo ng mga pinsala mula kay Ferguson. May mga ulat din tungkol sa pagkakait niya sa mga bata ng pagkain, pagkakadena sa kanila at  pagkandado sa loob ng mga silid. Inihayag naman ng opisyal na sisiguraduhin niyang mapapaalis ng Pilipinas ang nasabing dayuhang pastor matapos ang paglilitis sa kaso laban dito.

BI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with