^

Metro

Sextortionist timbog sa hotel sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ang isang sextortionist nang makipagkita sa isang dating karelasyon na tinakot niyang ipakakalat ang mga malalaswang video ng pagtatalik kung hindi papayag na maulit ang nangyari sa kanila sa Macau.

Sa ulat ng National Bureau of Investigation–National Capital Region (NBI-NCR) kay NBI Director Judge Jaime Santiago, ang suspek na si alyas “Billy”, ay dinakip sa Ermita, Maynila noong Miyerkules, Agosto 13, sa reklamo ng isang ginang.

Bagamat aminado ang complainant na nakarelasyon ang suspek, palihim umano ang ginawang pagkuha ng video ng huli sa kanilang pagsi-sex.

Nang bumalik umano sa Pilipinas ang suspek ay hindi pa siya tinantanan at ipinadala pa sa mga katrabaho ang sex videos nila kaya napilitan siyang mag-resign.

Sa takot naman sa banta na padadalhan din ng sex video ang pamilya at mga kaibigan niya, nakipagkita siya sa suspek sa isang hotel, sa Ermita, ngunit sa pagkakataong iyon ay nakaantabay naman ang mga operatiba ng NBI na kaniyang hiningan ng tulong.

Sa loob ng hotel room inaresto ang suspek na nakuhanan ng mobile phone na naglalaman ng ipinagbabawal na material.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutor’s Office ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009) kaugnay sa Cybercrime Law, paglabag sa RA 9262 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act) at paglabag sa Article 286 (Grave Coercion) ng Revised Penal Code.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with