EDSA busway enforcer tinodas, suspek hinahanting ng DOTr, CIDG

Pinasok sa bahay
MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagpatay sa isang miyembro ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) sa Cavite.
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na nag-iimbestiga na ang CIDG para matukoy ang motibo at pagkilanlan ng mga responsable sa pamamaril at pagpatay sa biktima nang pasukin ito sa kanyang bahay pasado alas-2:00 ng madaling araw ng Hulyo 12, sa Barangay Pasong Kawayan II, sa General Trias, Cavite.
Nadiskubre ng mga kapitbahay na nakatakip ang unan sa mukha at may tama ng bala sa mukha, bandang alas- 6:00 ng umaga. Nabatid na nag-iisa lamang nakatira ang biktima sa bahay.
Sinabi ni Dizon na may direktiba na mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tiyaking mananagot ang nasa likod ng krimen.
“Ayaw ko munang pangunahan yung imbestigasyon. Laging may risk sa buhay ng law enforcers natin dahil sa trabaho nila pero hindi pa natin alam kung anong dahilang pagpatay sa kanya,” pahayag ni Dizon.
Tiniyak niya rin ang tulong sa kaanak ng biktima na makamit ang hustisya .
“Immediately, pina-secure muna natin ang kanyang pamilya. Nagbigay tayo ng tulong sa kanila,” ani Dizon.
- Latest
















