^

Metro

8-anyos natusta sa Bulacan fire

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
8-anyos natusta sa Bulacan fire
Kinilala ang batang nasawi na si Harris Buesa, na sinasabing na-trap sa loob ng nasusunog nilang tahanan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 8-anyos na batang lalaki ang natusta nang sumiklab ang sunog sa residential area sa Brgy. Look 1st, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang batang nasawi na si Harris Buesa, na sinasabing na-trap sa loob ng nasusunog nilang tahanan.

Nasa mahigit anim na bahay ang tinupok ng nasabing sunog sa isang compound sa Purok 5, Brgy. Look 1st na umabot sa unang alarma.

Sa report ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Ret.Col. Manny Lukban Jr., ganap na alas-11:00 ng gabi nang mangyari ang sunog.

Ayon sa Malolos Bureau of Fire Protection (BFP), mabilis na kumalat ang apoy dahil sa yari lamang sa light materials ang mga bahay na natupok.

Naapula ang apoy sa tulong ng mga pamatay sunog ng Dapat Bayan Volunteers, PDRRMO, Malolos BFP, bayanihan at Moto Rescue.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, at maging ang kabuuang halaga ng mga ari-arian na natupok.

vuukle comment

HARRIS BUESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with