Misis, kalaguyo huli ni mister sa motel
MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang misis at umano’y kalaguyo nito matapos mahuli ng mister ng una na magkasama sa isang motel sa Quezon City nitong Sabado ng hapon.
Si alyas Jocel, 34 at Gideon, 38, isang accounting supervisor, at residente sa Pasig City, ay inireklamo ng adultery at unjust vexation sa piskalya ng mister na si alyas Jeffrey.
Sa report ng QCPD-Masambong Police Station 2, alas-2:00 ng hapon ng April 20, nang mahuli ang magkalaguyo sa Room S-105, Toffes Hometel sa No. 51 West Ave., Brgy. Paltok, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni P/Master Sgt. Babes Bien Santos, napansin umano ng mister na si alyas Jeffrey ang mga kakaibang ikinikilos ng misis na si Jocel nitong mga nakaraang araw.
Dahil dito, nagpasyang sundan ni Jeffrey ang misis at nang makita itong pumasok sa nasabing hotel ay agad na nagpasaklolo sa mga opisyal ng Brgy. Paltok, dahilan upang maaktuhan ang pagtataksil at arestuhin ang sinasabing magkalaguyo.
- Latest