Ilang kalsada sa Makati, isasara sa food festival
MANILA, Philippines — Nag-abiso sa mga motorista ang Pamahalaang Lungsod Ng Makati na iwasan ang ilang kalsadang isasara dahil isasagawang Thailand-Philippines street food festival.
Tatagal ang pansamantalang road closure simula Abril 5, simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi hanggang sa Abril 7, 2024, sa Rada Street mula Gamboa st hanggang Dela Rosa St.
Pinapayuhan ang mga motorista na manggagaling ng Gamboa St. na kumanan sa Legazpi St. hanggang makarating sa kani-kanilang destinasyon.
Bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng “75th Jubilee Celebration” ng diplomatic ties ng Thailand at Pilipinas.
- Latest