^

Metro

Viral message sa ‘chop-chop syndicate,’ fake news - Quezon City Police District

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Fake news ang kumakalat na mensahe patungkol sa umano’y chop-chop syndicate sa Quezon City.

Ito ang tahasang sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan kasabay nang babala sa publiko sa pagpapakalat ng mga mensahe o impormasyon online.

Ayon kay Maranan, walang katotohanan at basehan ang nasabing isyu na kumakalat sa social media kaugnay sa umano’y insidente na may kinalaman sa ‘chop-chop syndicate’ o scam ng ilang indibidwal na nagpapanggap na pulis.

Dahil dito, nagbabala ang QCPD na ang pagpapakalat ng fake news lalo ang mga nagdudulot ng panik at takot sa publiko ay isang criminal offense.

Aniya, pinaimbestigahan  niya ito at  lumalabas na hindi lang ‘outdated’ ang impormasyon kundi isa ring fake news.

Nai-report na rin aniya ang kaparehong ­insidente noong 2017 ngunit wala namang anumang bagong ulat ng kaso na kahalintulad ng scenario na binanggit sa online posts gaya ng Green Meadows, Valle Verde, Binondo, at C5 malapit sa BGC.

Kinumpirma rin ng Police Station 12 na walang ongoing threat na may kaugnayan sa sinasabing chop-chop syndicate.

“Misinformation can have severe consequences, not only for the individuals involved but also for the wider community,” ani Maranan.

Pinayuhan nito ang mga netizen na maging responsable sa social media at iwasang mag-share ng mga unverified information.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with