^

Metro

Lalaking nanaga, todas sa sekyu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lalaking nanaga, todas sa sekyu
Bumulagta ang isang lalaki makaraang mabaril ng isang sekyu na nakasaksi sa gi- nagawang pananaga sa may Ermita, Manila.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Todas ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng security guard na umawat sa pananaga ng biktima sa isa pang lalaki, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Arsito Santamen, alyas Lakay, habang nadakip naman ang nakabaril na sekyu  na si Arnel John Barcoma, 33, security guard ng North Signal, Taguig City.

Ginagamot naman sa Bagong Ospital ng Maynila ang tinaga ni Santamen na si Acmad Ignacio, alyas Bogart, 31, ng Ermita, Manila.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa Mabini Street malapit sa panulukan ng Pedro Gil A. Mabini streets, Ermita, Maynila dakong alas-7:40 ng gabi.

Unang nag-away sina Santamen at Ignacio sa ‘di pa mabatid na dahilan. Nataon na may dalang itak si Santamen at pinagtataga si Ignacio.

Nasaksihan ni Barcoma ang pangyayari at tinangkang awatin si Santamen. Ngunit pinagba­lingan ni Santamen ang security guard na kaniyang tinangkang tagain din.

Dito dumepensa si Barcoma na bumunot ng kaniyang baril at pinagbabaril si Santamen na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Nahaharap ngayon sa kasong Homicide si Barcoma na iginiit na self-defense ang kaniyang ginawa.

vuukle comment

MABINI STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with