^

Metro

Commuters hinikayat sumama sa kilos protesta vs PUV modernization

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Commuters hinikayat sumama sa kilos protesta vs PUV modernization
Province-bound passengers flock to a bus terminal at EDSA in Pasay City on December 23, 2023, two days before Christmas Day.
Ernie Penaredondo/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Hinimok ng tranport group na Manibela ang mga pasahero na makiisa sa isinagawa nilang kilos protesta laban franchise consolidation sa ilalim ng PUV modenization program dahil makakaapekto umano ito sa libu-libong mananakay ng jeepney sa darating na Enero.

Ito ay kapag nagpatuloy ang itinakdang deadline sa konsolidasyon sa darating na Dec. 31.

Nangangahulugan kasi ito na makakansela na ang permit to operate ng maraming mga jeepney operators.

Ayon kay Mar Valbuena, pangulo ng Manibela na nasa 40,000 jeepneys pa ang hindi pa nakaka-comply sa consolidation ang hindi na makakabiyahe pa pagdating ng Enero kung saan sa malaking bilang na to mas maraming commuters din ang maapektuhan ang pagbibiyahe.

Magugunitang nag­harap na ng petisyon ang transport groups sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad ng PUV modernization.

Sakali umano na iba­sura ng SC ang kanilang petisyon ay wala na silang magagawa kundi ang ipagpatuloy ang protesta at malaking bagay kung makakasama nila ang mga mismong commu­ters na siyang lubhang maapektuhan.

Ganito rin ang na­ging banta ng Piston na dalhin ang kanilang hinaing sa mga gate ng Malacañang.

vuukle comment

MODERNIZATION

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with