^

Metro

Miyembro ng ‘Akyat Bahay’, patay sa shootout

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng ‘Akyat Bahay Gang’ ang napatay,  habang arestado naman ang isa nitong kasamahan nang makipagbarilan sa mga tauhan ng  Quezon City Police District (QCPD) Police Station 13 kama­kalawa ng gabi sa Que­zon City.

Dead on the spot ang biktimang si Jerome Tangalan Vela, 24, habang himas rehas naman si Jomel Caparoso Tabuñar, 27 ng Brgy. Bagong Silang, Quezon City.

Sa report ni QCPD PS 13 (Payatas Bagong Silangan Police Station ) PLtCol Leonie Ann Dela Cruz kay QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan, nagtungo ang biktima upang ireport ang panloloob at pagtangay ng kanyang bisikleta nitong Dis­yembre 14 ng hapon sa kanyang bahay sa  Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Agad nagsagawa ng follow up operation ang QCPD Station 13 at  Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni PMAJ Don Don Llapitan sa Payatas, Brgy. Bagong Silangan dakong alas- 11 ng gabi.

Natunton si Tabuñar  sa kanyang bahay sa  Brgy. Bagong Silangan kung saan nabawi rito ang bisikleta ng biktima.

Matapos ang  tatlong oras, natukoy naman ang pinagtataguan ni Vela sa Agham St., Covenant Village, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City subalit agad nitong binunutan ng baril ang mga pulis kaya napilitan ang mga pulis na paputukan ito.

Nakuha naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna ni  PCPT Aldrin Domingo ang  isang Armscor 202 caliber. 38 revolver , apat na live ammunition, isang  fired cartridge case, at tatlong 9mm fired cartridge case.

vuukle comment

CIDU

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with