^

Metro

Number coding sa Metro Manila, suspendido muna - MMDA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa transport strike

MANILA, Philippines — Nagpasya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendihin muna ang number coding scheme sa Metro Manila, kasunod na rin ng ikinakasang 3-araw na tigil-pasada ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tusper at Operators Nationwide (PISTON) simula ngayong Lunes, Nobyembre 20.

Mismong si MMDA Chairman Don Artes ang nag-anunsiyo ng suspensiyon ng number co­ding dahil sa ­inaasahang epekto ng tigil-pasada sa malaking bahagi ng Kamaynilaan.

“Yes, suspended,” ayon pa kay Artes.

Sinabi ni Artes na asahan na ng mga commu­ters ang mas masikip na daloy ng trapiko ngayong Lunes.

Payo pa niya sa publiko, kung hindi rin lang naman importante ang kanilang lakad ay mas makabubuting ipagpaliban na lamang ito at huwag nang lumabas ng bahay.

Nilinaw naman ni Artes, na sa ngayon, ang suspensiyon ng coding scheme ay ngayon Lunes lamang na ­unang araw ng tigil-pasada habang sa Makati City ay patuloy pa rin itong ipatutupad.

Pag-aaralan pa aniya nila kung palalawigin pa ang suspension ng number coding scheme sa susunod na dalawang araw ng transport strike.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with