^

Metro

2 sakay ng tricycle, utas sa counterflow

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang katao habang sugatan ang isa pa nang magkabanggaan ang isang pick-up at isang tricycle sa Paco, Manila kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina Apolonio Toyado III, 42, binata, tricycle driver at ang kanyang pasahero na si Joven Braga, 46, binata, pedicab driver; kapwa residente ng 1854 Int., 17, Zamora St., Pandacan, Manila habang sugatan ang motorcycle rider na si Ronald Mikhail Betonio, 35, housekeeper, at residente ng 4F D5 Bahay Caridad, 2nd Bldg., Bayani St., Doña Imelda, Quezon City.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng pick-up na si Sanny Ayon, government employee, at 0 PE PSG Malacañang Park, San Miguel, Manila.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong ala-1:50 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa westbound lane ng Paz Mendoza Guanzon St., sa Paco.

Nauna rito, minamaneho ni Ayon ang pick-up na may plate number na XLL 461 sa westbound lane ng Paz Guanzon St., nang pagsapit sa tapat ng Mitsubishi Motors ay makabanggaan nito ang tricycle na minamaneho ni Toyado, na noon ay nagka-counterflow sa kalsada.

Sa tindi ng impact ng aksidente, yupi ang tricycle habang wasak ang harapan ng pickup truck at tumilapon sina Toyado at Braga. Dead-on-the spot si Braga habang nasawi sa Philippine General Hospital (PGH) si Toyado.

Minalas naman na madamay sa aksidente ang motorsiklong may MV File No.: 1301-0823081 na minamaneho ni Betonio na nagresulta rin sa pagkasugat nito.

vuukle comment

APOLONIO TOYADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with