^

Metro

8 Pinoy na pupuslit sa Malaysia, nasabat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
8 Pinoy na pupuslit sa Malaysia, nasabat
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang walong Pilipino na tangkang pumasok ng Malaysia sa Zamboanga International Seaport (ZIS) makaraang magpanggap na mga turista.

Sa ulat, nagtangkang sumakay ang mga pasahero sa MV Antonia patungo sa Sandakan, Sabah. Nagsabi sila na mga turista at magkakaiba ang dahilan ng pagbiyahe tulad na lang ng pagbili ng welding equipment o bibisita sa kaanak o kaibigan.

Ngunit nang sumailalim sa ikalawang inspeksyon, inamin ng mga pasahero na plano nilang pumasok sa trabaho sa isang shipyard at engineering firm sa Kuala Lumpur.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang pagkakasabat sa walo ay patunay na hindi lamang mga paliparan ang binabantayan nila laban sa human trafficking ngunit maging ang mga seaports.

Muli siyang nanawagan sa mga Pilipino na nais magtrabaho sa ibang bansa na idaan ito sa legal na paraan at berepikahin muna ang pagiging totoo ng job orders na iniaalok sa kanila ng mga recruiters.

“Kailangan munang makakuha ng nararapat na mga clearances at approvals sa mga ahensya ng pamahalaan. Kabilang dito ang berepikasyon ng employment contract, job offer, at kumuha ng employment certificates mula sa Department of Migrant Workers,” ayon kay Tansingco.

Ipinasa na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang kustodiya sa walong pasahero para sa kaukulang imbestigasyon.

vuukle comment

ARRESTED

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with