^

Metro

3K undesirable aliens, napigil ng BI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos tatlong libong mga dayuhan na ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ngayong 2023 dahil sa kinasasangkutang mga kaso.

Partikular na tinukoy ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na nasa kabuuang 2,778 undesirable aliens at walang angkop na mga dokumento ang kanilang naharang mula Enero hanggang Oktubre.

Pinakahuling hinarang ng BI ang German national na si Maik Bohr, 57, at American national na si Lewis Steven Sterling, 67.

Nabatid na sangkot si Bohr sa paglikha ng mga child exploitation and abuse materials, habang si Sterling ay natagpuang guilty sa Amerika sa kasong aggravated sexual assault ng isang bata noong 1998.

Sinabi ni Tansingco na sa naturang bilang, 696 ang mga Chinese, 414 ang Vietnamese, at 214 ang mga Indonesian. Nasa 204 rin sa kanila ay mga Amerikano at 138 na Indian nationals.

Mas malaki ngayong taon ang bilang ng mga hinaharang ng BI dahil sa tuluyan nang pagbubukas ng ekonomiya at ng turismo sa mundo. Noong nakaraang taon, nasa kabuuang 2,768 na dayuhan ang kanilang hindi pinapasok sa bansa.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with