^

Metro

85-anyos na lolo, patay sa mixer truck

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
85-anyos na lolo, patay sa mixer truck
Kinilala ang nasawi na si Donato Ang,  ng Carvajal St., Binondo, Manila.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang 85-anyos na Fil-Chinese makaraang mabundol ng isang cement mixer truck habang nagtatangkang tumawid sa may Recto Avenue sa Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Donato Ang,  ng Carvajal St., Binondo, Manila.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na kinilalang si Edilberto Aballe, 48, ng  Lucasan Street, C6 Road, Brgy. Wawa, Taguig City.

Sa inisyal na ulat ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng CM Recto Avenue at T. Mapua Street sa Sta. Cruz, ng naturang siyudad.

Binabagtas ng concrete mixer truck na minamaneho ni Aballe ang kahabaan ng Recto Avenue nang mabundol niya ang biktima pagsapit ng T. Mapua Street. Nang masakote ng mga pulis, ikinatwiran ng suspek na hindi umano niya napansin ang matanda sa kalsada.

Nahaharap ngayon sa kasong homicide through reckless imprudence si Aballe sa city prosecutor’s office ng Maynila.

vuukle comment

FIL-CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with