^

Metro

Impostor na naniningil ng buwis, ibinabala ng Las Piñas LGU

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan kahapon ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang kanilang mga residen­te laban sa kawatan na nag-iikot sa lungsod at nanini­ngil ng business tax habang nagpapanggap na tauhan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO).

“The City Local Government of Las Piñas wishes to alert the public regarding an individual who has been posing as a City Hall employee and unlawfully extorting money from applicants at the BPLO,” anunsyo ng lokal na pamahalaan sa kanilang social media pages.

Nabatid na isang negosyante na ang nabiktima ng naturang impostor at nakarating na rin sa kaalaman ng mga lehitimong inspektor ang insidente.

Ayon sa lokal na pamahalaan, maaaring matukoy ang lehitimong tauhan ng city hall na palagiang may suot na identification card na may litrato, pangalan, posisyon at pirma nito.

Ngunit kung may pagdududa pa rin, hinihikayat ng city hall na beripikahin ang pagkakakilanlan ng nagpapakilalang kolektor o inspektor sa paglapit o pagtawag sa Las Piñas BPLO o sa opisina na ni­rerepresenta nito.

Idinulog na ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa pulisya ang insidente upang maimbes­tigahan at madakip ang naturang impostor.

Tiniyak nila na sasampahan ng kaukulang kaso ang sinuman na mapapatunayan na ginagamit ang lokal na pamahalaan sa pangingikil sa mga residente ng siyudad.

vuukle comment

BPLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with