MMDA nagsimulang manghuli na ng mga riders na sumisilong sa footbridge

Motorists experience bumperto- bumper traffic along EDSA in Quezon City following an accident involving a motorcycle rider near the EDSA-Shaw Boulevard underpass yesterday morning.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nag-umpisa nang manghuli at maniket ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga motorcycle riders na sumilong sa ilalim ng mga footbridges sa EDSA kasabay ng halos walang tigil na pag-ulan kahapon.

Sa datos ng MMDA, siyam na riders ang ­inisyal na natikitan ng kanilang mga enforcer dahil sa pagsilong sa EDSA-Timog footbridge.

Ang ibang mga riders naman ay sinita lamang ng mga enforcers lalo na kapag matagal na silang naglalagi sa ilalim ng footbridges.

Samantala, tinuligsa naman ni One Rider partylist Rep. Bonifacio Bosita ang implementasyon ng naturang polisiya ng MMDA.

Iginiit ni Bosita na mas dapat tutukan ng gobyerno ang pagbibigay-solusyon sa problema ng mga riders tuwing umuulan kaysa unahin ang pang­huhuli at pagmumulta sa mga mahihirap na riders.

Tila hindi umano naiintindihan ng pamunuan ng MMDA ang problema na dapat solusyunan at dapat inuuna ang pagseserbisyo kaysa pagkakakitaan.

Una nang sinabi ng MMDA na makikipag-ugnayan sila sa ilang mga gasolinahan sa EDSA para maglagay ng mga silungan na puwedeng puwestuhan ng mga rider lalo na tuwing tag-ulan.

Nasa P1,000 ang sinasabing multa sa mga mahuhuli sa ilalim ng pinaiiral na ­single ­ticketing system.

Show comments