^

Metro

Bilibid ‘pinakamalalang supermax prison’- Catapang

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na pinakamalalang ‘supermax prison’ ang pinatatakbo niyang New Bilibid Pri­sons (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa dekada umanong kapabayaan.

“We are the worst supermax prison. Unmanageable and lacking facilities. Below, below standard tayo. Nakahihiya man sabihin but that is the situation now,” pag-amin ni Catapang.

“Sinisingil na tayo ng pagpapabaya natin kasi 50 years na nakalimutan,” dagdag pa niya.

Isa sa pangunahing problema ang kakapusan sa mga pasilidad at taas ng bilang ng mga bilanggo na ipinapadala umano dito.

Dapat ay nasa 6,000 ang kapasidad ng bilangguan ngunit sa ngayon ay higit sa 30,000 na umano ang nakaditine dito.

“Hindi naman sila maipasok lahat sa selda. Gabi na, ‘yung nasa labas sila natutulog, nahahamugan lalo na ngayon ‘pag umulan tuluy-tuloy. Walang patid,” dagdag pa ni Catapang sa sitwasyon ng mga inmate.

Isa ito sa dahilan ng pagpapatupad ng moratorium ng Depaetment of Justice (DOJ) sa pagpapasok ng mga bagong ‘person deprived of liberty (PDL)’ sa NBP at paglilipat ng ilang inmates sa ibang bilangguan

Kahapon, dumulog sa DOJ ang mga kaanak at partners ng mga PDLs na inilipat sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at inireklamo ang hindi man lang umano pagpapasabi sa kanila.

Sinabi ni DOJ spokesperson Asst. Sec. Mico Clavano na walang masamang ­intensyon sa aksyon na ito na ­iniutos ni Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sa hindi pagpapaa­lam sa mga kaanak ukol sa transfer, sinabi ni Clavano na may mga aksyon na kailangang gawing confidential para hindi magdulot pa ng dagdag na kaguluhan sa bilangguan.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with