^

Metro

‘Warning system’, balak ipatupad ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Warning system�, balak ipatupad ng LTO
Matinding trapik ang dinanas ng mga motorista sa northbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) kahapon kasabay pa rin ng naranasang ma-samang panahon dala ng bagyong Falcon at habagat.
Ernie Peñaredondo

Kapag may bagyo at kalamidad

MANILA, Philippines — Plano ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza ang pag-adopt sa warning system sa lahat ng uri ng sasak­yan, partikular ng mga pampasaherong behikulo para matiyak ang kaligtasan ng mga driver at pasahero sa tuwing masama ang panahon at may kalamidad.

Ayon kay  Mendoza,  ang hakbang ay  isang safety measure tulad ng ‘no-sea travel policy’, kasunod ng mapaminsalang epekto ng super typhoon  Egay sa mga lansangan na hindi madaanan  dahil sa landslide at mga pagbaha.

Ani Mendoza, bahagi ng hakbang ang regular na ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at local disaster risk reduction management offices sa pamamagitan ng LTO regional district offices para sa pagpapakalat ng impormasyon sa kundisyon ng mga lansangan at ruta ng mga PUVs.

Higit na binibigyang pansin ang pagpapairal ng warning system sa mga pampasaherong sasakyan tulad ng bus at jeep dahil marami itong sakay na mga pasahero at mapanganib maglakbay kung may kalamidad.

Sinabi ni Mendoza na magkakaroon sila ng listahan ng mga kalsadang prone sa landslides at pagbaha sa tuwing masama ang panahon.

Idinagdag pa nito, na maglalagay din sila ng mga enforcers sa mga  bus at iba pang PUVs terminals upang mabigyang babala ang mga sasakyan na hindi maaaring umalis dahil sa kalamidad.

“Mas maigi na ma-stranded sa mga terminals kesa naman sa gitna pa ng mga kalsada ma-stranded ang ­ating mga kababayan. Mas delikado ‘yun,” dagdag ni Mendoza. Una nang ­inanunsyo ng DPWH na may 21 kalsada ang hindi pa rin madaanan dahil sa pagguho ng lupa, sirang tulay, baradong kalsada at pagbaha dulot ng bagyong Egay. 

vuukle comment

DPWH

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with