^

Metro

Taas-pasahe sa MRT-3, posibleng aprubahan ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posible umanong aprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang petisyon para sa taas-pasahe na inihain ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Matatandaang kamakailan ay naghain ng petisyon ang MRT-3 sa Rail Regulatory Unit (RRU) ng DOTr, na humihiling na makapagtaas ng P2.29 sa kanilang boarding fee at P0.21 naman para sa kada kilometrong tatakbuhin nito.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, kung masusunod ng MRT-3 ang lahat ng kinakailangang rekisitos at idaraan ito sa tamang proseso ay malamang maaprubahan nila ang naturang petisyon.

Ani Bautista, ang operasyon ng MRT-3 ay parang Light Rail Transit (LRT) rin kaya’t kailangang ikonsi­dera rin nila ito.

Tiniyak naman ni Bautista na ang petisyon ay pag-aaralan munang mabuti ng RRU, na siyang gagawa ng rekomendasyon sa kanyang tanggapan.

Sa naturang rekomendasyon naman aniya ibabase ang decision letter hinggil sa petisyon.

Matatandaang una nang inaprubahan ng DOTr ang hiling na taas-pasahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2).

Nakatakdang ipatupad ng LRT-1 at LRT-2 ang naturang fare hikes sa Agosto 2.

vuukle comment

DOTR

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with