^

Metro

Nananamantala sa PWD IDs, binalaan ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Nananamantala sa PWD IDs, binalaan ni Mayor Joy
Screengrab shows the six PWD cards a family was able to get for each member.
Supplied

MANILA, Philippines — Binalaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga nanlolokong indibidwal na gumagamit ng persons with disability (PWD) identification card sa lungsod.

Ayon kay Mayor Belmonte, nagpatupad na ang Persons with Disability Affairs Office (QC PDAO) ng mas mahigpit na verification processes para mahuli ang ilang indibiduwal na nagpapanggap na mayroong kapansanan.

“The improper use of PWD IDs to obtain discounts, by individuals who are not legitimate PWDs is completely unacceptable. To address this issue, we have implemented an automated registration system which makes the process more efficient and secure,” pahayag ni Belmonte. 

Idinagdag pa ng alkade, gumagamit na ngayon ang bagong PWD ID registration system ng online portal QC E-Services kung saan pinagsusumite na ang mga aplikante ng mga kaukulang dokumento para patunayan ang disability.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Belmonte na mawawala na ang padrino at mga fixers hinggil dito.

Nasa 78,000 ang PWD ID holders sa QC bago tumama ang pan­demya sa COVID-19 pero matapos ipatupad ang automated system, nasa 52,000 na lamang ito. 

Ayon pa kay Belmonte, nabuking din na sa 7,000 na na-reject na aplikante, karamihan sa mga ito ay gumagamit ng mga pekeng medical certificates.

Samantala, sinabi ni Belmonte na binibigyang prayoridad na ngayon ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng accessibility sa mga PWD sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ramps sa mga sidewalks.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with