^

Metro

Ordinansa kontra pandaraya sa credit card, aprubado sa Parañaque

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang matugunan ang talamak na pagkuha at pagbebenta ng pribadong impormasyon sa mga cybercriminal, nagpasa ang Konseho ng Lungsod ng Pa­rañaque ng ordinansa na nangangailangan ng vi­sibility ng mga card terminal o point-of-sale (POS) system sa mga consumer sa pagbabayad.

Epektibo kaagad, ang lokal na ordinansa ay nag-aatas sa mga retail at service provider sa lungsod na gumamit ng mga portable POS system na dapat makita ng customer ang kanilang mga transaksyon kapag ginamit nila ang kanilang credit card.

Ang POS system ay tumutukoy sa mga advanced na cash register na gumagamit ng mga terminal ng pagbabayad, touch screen o iba pang mga opsyon sa software. Gumagamit ito ng internet at iba’t ibang mga protocol at maaa­ring maging external na portable payment card reader.

Sinabi ni Konsehal Pablo Olivarez II, punong may-akda ng ordinansa, na kung sakaling walang portable o external terminal/POS system ang merchant, kailangang madaling makita ang kanilang mga card reader sa kanilang mga transaksyon at hindi dapat mahadlangan.

Ipinaliwanag ni Olivarez na ipinagbabawal din sa ilalim ng Section 2 ng ordinansa ang pagkuha ng mga card at identification card mula sa mga customer para sa layunin ng mga pagbabayad sa card, kung hindi man nakikita.

Ayon sa konsehal, karamihan sa mga reklamong natanggap niya mula sa mga biktima ng mapanlinlang na credit at debit card scam--ay sinasabing ito ay kadalasang nangyayari sa lokal na gasolinahan kung saan ang mga scammer ay kasabwat ang cashier na gumagamit ng teknolohiya at skimming device upang biktimahin ang mga parokyano.

Nakasaad sa seksyon 4 ng ipinasang ordinansa, na ang mga retail at service provider ay bibigyan ng isang taon o hanggang sa kanilang pag-renew ng kanilang mga business permit upang makuha at i-update ang kanilang mga POS system. Pansamantala, ang lahat ng mga transaksyon ay dapat na malinaw na nakikita ng customer.

Ang mga reklamo para sa paglabag sa ordinansa ay maaaring ihain sa alinman sa Metropolitan Trial Court at Consumer Welfare Office para sa administratibong katangian ng paglabag.

vuukle comment

CREDIT CARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with