^

Metro

2 namemeke ng PWD IDs, huli

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 namemeke ng PWD IDs, huli
Kinilala ni MPD Director PBGen Andre Dizon ang mga nadakip na sina Ralf Lawrence Doblada, 21, ng  G. Araneta St., Jose Abad Santos Avenue, Brgy. 246 Tondo, at Lizel Lopez, ng Antonio Rivera Street, Brgy. 239, Tondo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang indibiduwal nang mahuli sa akto nang pamemeke ng mga identification card ng PWD (person with disabilities), kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni MPD Director PBGen Andre Dizon ang mga nadakip na sina Ralf Lawrence Doblada, 21, ng  G. Araneta St., Jose Abad Santos Avenue, Brgy. 246 Tondo, at Lizel Lopez, ng Antonio Rivera Street, Brgy. 239, Tondo.

Sa ulat, dakong alas-4 ng Huwebes ng hapon nang magsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng MPD-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) sa bahay ng mga suspek sa Tondo.

Sinabi ni SMaRT chief, PMaj Edward Samonte na unang dumulog sa kanila ang mga kinatawan ng Manila Social Welfare Department at isinuplong ang natanggap na impormasyon na pagbebenta ng pekeng PWD ID ng mga suspek sa online.

Binibili umano ito ng mga kustomer na nais na makadiskuwento at makakuha ng iba pang benepisyo na para talaga sa mga totoong PWDs.

Isang asset ang ipinain ng mga pulis na nagawang makabili ng pekeng PWD ID sa loob ng bahay ni Lopez. Matapos ang bentahan, sinalakay na ng mga pulis ang bahay at naaktuhan pa ang dalawang suspek na abala sa paggawa pa ng ibang pekeng IDs.

Nasamsam ng mga pulis ang limang tapos nang PWD IDs, computer, printer, laminating maching, mga plastic, at iba pang paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Article 172 (Falsification by Private Individual s and Use of Falsified Documents) at Article 176 (Manufacturing and Possession of Instruments or Implements for Falsification) ng Revised Penal Code ang dalawang suspek sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with