^

Metro

Hiling na piyansa ni De Lima, tinanggihan ng Muntinlupa court

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Hiling na piyansa ni De Lima, tinanggihan ng Muntinlupa court
Former senator Leila de Lima waves to her supporters as she arrives for a court hearing on drug cases against her at the Muntinlupa Regional Trial Court on January 27, 2023.
STAR/ Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Hindi pinagbigyan ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 256 ang petisyon ni dating Senador Leila de Lima para makapaglagak ng piyansa, sa natitirang kaso nito sa ilegal na droga.

Ito ang kinumpirma kahapon ng abogado ni De Lima na si Atty. Boni Tacardon.

Sa resolusyon, sinabi ng korte na ang plea ni De Lima para sa piyansa sa “humanitarian considerations is untenable.”

Sa petisyon ay binanggit ni De Lima na siya ay senior citizen na at may ilang mga medikal na isyu. Sinabi rin niya na hindi siya isang ‘flight risk, subalit hindi ito sinang-ayunan ng korte na nagsabing ‘not compelling”.

Una nang pinawalang-sala ng Muntinlupa City RTC Branch 204 si De Lima sa isa sa mga natitirang kaso noong Mayo 12, subalit hadlang pa rin na makalaya siya dahil sa pagtanggi ng RTC Branch 256.

Ang pinakahuling resolusyon ay nag-ugat sa supplemental omnibus motion ng kampo ni De Lima, na humiling sa korte na ibasura ang kasong may kinalaman sa droga laban sa dating mambabatas o pagbigyan ang kanyang petisyon para sa piyansa.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, naunang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi nila tututulan ang petition for bail ni De Lima o ang kanyang petition for writ of habeas corpus.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with