^

Metro

Abogado nagantso ng P9.9 milyon ng lover

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong estafa at robbery extortion ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babae na pina-ibig ang isang abogado na kaniyang ginantso at tina­ngayan ng nasa P9.9 milyon.

Sa ulat ng NBI-Anti-Organized and Transna­tional Crime Division (NBI-AOTCD), naaresto kama­kailan sa loob ng isang mall sa Quezon City ang suspek na si Marielle Cruz Padel, alyas Lyka Cruz Padel.

Nauna rito, dumulog sa NBI ang hindi na pinangalanang abogado na nagsampa ng reklamo laban sa suspek.

Sa kaniyang salaysay, nakilala niya sa Facebook si Marielle, niligawan niya, na­ging kasintahan hanggang sa magkita at nagtalik.

Makalipas ang ilang pagtatalik, sinabihan siya ng ba­bae na buntis siya na tinanggap naman ng biktima at pananagutan.

Ngunit hindi na muli nagparamdam ang babae hanggang sa makatanggap ang biktima ng mensahe sa isang Lyka na nagpakilalang kakambal ng nobya niya.

Ayon kay Lyka, nama­tay si Marielle nang magpalag­lag ng sanggol. Sinisisi niya ang biktima sa nangyari sa kakambal at nagbanta na sisirain ang kaniyang pamilya at reputasyon kapag hindi nagbigay ng pera.

Nagpadala naman umano ang biktima ng pera na uma­bot sa P9.9 milyon, hanggang sa matuklasan niya na si Marielle at Lyka ay iisang tao lamang.

Nitong Abril 26, muling humingi ng pera sa kanya si Lyka na halagang P61,000. Dito ng ikinasa ang entrapment na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek makaraang tanggapin ang marked mo­ney mula sa biktima.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with