^

Metro

Konstruksyon ng dagdag na immigration counter, sinimulan na

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Konstruksyon ng dagdag na immigration counter, sinimulan na
This undated file photo shows immigration counters at the Ninoy Aquino International Airport.
The STAR / Rudy Santos, File

MANILA, Philippines — Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA)  general manager Cesar Chiong na sinimulan na ang konstruksyon ng karagdagang immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport NAIA terminal 3.

Ayon Kay Chiong,  layunin nito na ma-decongest ang mga papaalis na   at hindi na humaba pa ang pila sa mga immigration counters.

Ang aksyon ng MIAA ay kasunod sa nakatakdang paglilipat ng ilang international airlines mula sa NAIA terminal 2 to terminal 3 at terminal 1 kung saan gagawin nang domestic terminal ang terminal 2 sa darating na July 1.

Paliwanag ni Chiong, ang karagdagang immigration counters ay eksklusibo para sa mga diplomat,   PWD, mga buntis at OFWs.

Habang ang 28 immigration counter sa NAIA terminal 3 ay gagamitin para sa mga regular passengers para sa kaginhawahan ng riding public.

Ayon kay Chiong, inaasahang matatapos bago mag-Disyembre ng taon ang 14 na karagdagang immigration counters sa NAIA terminal 3.

vuukle comment

MIAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with