^

Metro

Mag-utol na senior, patay nang matagpuan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa wala nang buhay nang madiskubre ang magkapatid na senior citizen sa loob ng kanilang tinutuluyang bahay sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Elizabeth Porras, 84, isang dating pediatrician; at si Alicia Porras, 64, kapwa walang asawa at nakatira sa Verdad Street, Sampaloc, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ang mga labi ng dalawang matanda nang bumisita ang saksing si Malou Veras kamakalawa ng umaga para maghatid ng pagkain.

Dahil sa walang sumasagot, naghinala na si Veras na may masamang nangyari sa magkapatid kaya iniulat niya ito sa Lacson Police Community Precinct. Puwersahang binuksan ng mga pulis ang bahay at dito natagpuan ang magkapatid na matanda na kapwa walang buhay na nakahiga sa ikalawang palapag.

Nabatid na may sakit umanong schizophrenia si Alicia, habang hinihinala rin na may iniindang sakit si Elizabeth.

Napag-alaman naman na si Veras ay kasambahay ng kaanak ng magkapatid na Porras at siyang naaatasan na magdala ng pagkain at bumisita sa dalawang matanda para mabatid ang kanilang kalagayan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with