^

Metro

Magulang ng Dengvaxia kids, nagprotesta

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumugod kahapon sa harapan ng Department of Justice (DOJ) ang mga nagpakilalang magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine at hiniling na tanggalin sa puwesto si Undersecretary Jesse Andres.

Ikinatwiran ng mga raliyista na tagasunod umano si Andres ni da­ting Health Secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janet Garin na siyang nakaupo noon sa DOH nang maganap ang kontrobersya sa Dengvaxia.

Hiniling din ng grupo kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bigyan sila ng patas na pagdinig sa inihain nilang reklamo laban sa mga dating opisyal ng pamahalaan.

Matatandaan na nagsampa sa korte si Public Attorney’s Office chief Percida Acosta para ilipat ang prosekusyon ng Dengvaxia cases sa kanila.

Ikinatwiran ni Acosta na may “conflict of inte­rest” umano ang national prosecution service dahil dating abogado ni Garin si Andres.

Co-accused si Garin sa kasong reckless imprudence resulting in homicide na isinampa sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 133, kaugnay ng kontrobersya sa Dengvaxia vaccines.

Sinabi naman ng DOJ na hindi patas ang akusasyon ni Acosta. Nag-inhibit umano si Andres sa paghawak ng naturang kaso nang umupo siya bilang Undersecretary ng ahensya. 

Idinagdag pa ng DOJ na labag sa batas ang nais ni Acosta at hindi saklaw ng mandato ng PAO.

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with