^

Metro

2 menor-de-edad na nanaksak ng kapwa minor, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 menor-de-edad na nanaksak ng kapwa minor, arestado
Hindi na pinangalanan ang mga suspek na nasa edad 13 at 15-anyos lamang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad ang dalawang menor-de-edad na sina­sabing suspek sa pananaksak sa isang kap­wa nila minor sa Brgy. Bungad, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na pinangalanan ang mga suspek na nasa edad 13 at 15-anyos lamang.

Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong alas-7:15 ng gabi kamakalawa nang maganap ang krimen sa tapat ng Judge Juan Luna High School sa Brgy. Bungad, QC.

May hinihintay lamang umano ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lang sumulpot ang grupo ng mga suspek, na pawang mga lalaki at sa ‘di pa batid na kadahilanan ay biglang sinuntok ng isa sa kanila ang biktima.

Hindi pa nasiyahan, pinalo pa umano ng isa ng baseball bat ang ulo ng biktima at saka ito sinaksak sa katawan.

Nakita naman ng kapatid na babae ng biktima ang pangyayari kaya’t kaagad itong humingi ng tulong.

Mabilis ding isinugod ng mga miyembro ng Barangay Police Safety Officers (BPSO) ang biktima sa Quezon City General Hospital (QCGH) upang malapatan ng lunas.

Naaresto rin nila ang mga suspek sa isinagawang follow-up operation.

Ang mga suspek ay itinurn-over na rin kaagad sa tanggapan ng City Social Welfare and Deve­lopment (CSWD) para sa kaukulang disposisyon.

vuukle comment

SAKSAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with