^

Metro

Budget cut sa PGH, inalmahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Budget cut sa PGH, inalmahan
Base sa ‘spen­ding plan’ ng gobyerno, kakaltasan ng P890 mil­yon ang pondo ng PGH. Mula sa kasalukuyang P6.3 bilyong pondo nito ay magiging P5.4 bilyon na lamang sa 2023.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinalagan ng unyon ng mga manggagawa ng Philippine General Hospital (PGH) ang pinababang panukalang pondo para sa pagamutan sa 2023 na tinawag nilang hindi katanggap-tanggap at nakakabahala.

“Una sa lahat ang ­unang maapektuhan po ng budget cut sa PGH ay ‘yung serbisyo na ­ibinibigay namin sa mga pasyente,”  ayon kay ALL UP Workers Union-Manila/PGH president Karen Faurillo.

Base sa ‘spen­ding plan’ ng gobyerno, kakaltasan ng P890 mil­yon ang pondo ng PGH. Mula sa kasalukuyang P6.3 bilyong pondo nito ay magiging P5.4 bilyon na lamang sa 2023.

Iginiit ni Faurillo na mas higit na kailangan ng PGH ng pondo habang tumatransisyon ang bansa sa ‘new normal’ dahil sa pagiging pinakamalaking ‘COVID-19 referral facility’ nito.  Mas kakailanganin pa nga umano ng PGH ng dagdag na P10 bilyong pondo.

Nang tumama ang pandemya, nakita pa umano lalo ang pangangailangan na mag-upgrade ng PGH ng pasilidad, kagamitan at iba pang resources.

Tinawag nilang ‘anti-poor’ at ‘anti-health wor­kers’ ang pagbawas sa pondo lalo’t nasa 300 contractual at job orders na manggagawa ang naghihintay na ma-regular sila sa trabaho.

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with