^

Metro

2 huli sa aktong ‘tumitira’ ng shabu sa loob ng kariton

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 huli sa aktong �tumitira� ng shabu sa loob ng kariton
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police chief P/Major Randy Ludovice ang  mga suspek na sina Felix Serdan Jr, 47,  at Richard Lorehas, alyas  Macoy, 35.
STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Dalawang kelot ang dinakip matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime police na nagpa-pot session  sa loob ng isang kariton sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Northern NCR Maritime Police chief P/Major Randy Ludovice ang  mga suspek na sina Felix Serdan Jr, 47,  at Richard Lorehas, alyas  Macoy, 35.

Dakong ala-1:00 ng hapon nang maaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na sumisinghot ng umano’y shabu sa loob ng isang nakabukas na kariton.

Hindi na nagawang ma­katakas ng mga suspek ma­tapos silang paikutan ng mga pulis saka inaresto at narekober sa kanila ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

vuukle comment

MARITIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with