^

Metro

Miyembro ng ‘Arao criminal gang’, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 25-anyos na lalaking miyembro umano ng notoryus na ‘Bobby Arao Robbery Group’ na responsable sa serye ng nakawan sa  Taguig City at karatig lugar, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni  Southern Police District (SPD) Director, P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na si John Carlo Marces, alyas Atabs, mekaniko.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Taguig City Police Station hinggil sa presensya ng isang armadong lalaki sa Ganchero St., Brgy. Central Bicutan, Taguig City.

Dakong alas-4:30 ng hapon nang puntahan upang beripikahin ang tip ng concerned citizen kung saan inabutan pa sa lugar ang suspek na nakuhanan ng isang kalibre .38 Armscor revolver na may 3 bala at sa pagrikisa ay nadiskubre rin sa kaniya ang isang granada.

Ipinasusuri na ang mga nakumpiskang baril at granada sa Firearms and Explosive Division, habang inihahanda ang reklamo kaugnay ng illegal possession of firearms and explosives.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with